Monday, February 22, 2016

Tagum City: Christ the King Cathedral












Christ the King Cathedral o mas kilala sa tawag na New Cathedral.

Maraming mga mamamayan ang nagsisimba dito. Atraksyon din dito ang pinakamalaking rosaryo sa buong bansa na madalas dinadalaw ng mga turista. Maraming atraksyon sa labas ng simbahan na madalas nakakaagaw ng atensyon ng mga tao pagkatapos nilang magsimba. Kaya nakakaganang pumunta dito.

Makikita ito sa  Dr Juan Gonzalez Ave, Tagum City, Davao del Norte. Ang simbahan ay itinayo noon pang 1993 mula lamang sa donasyon at nagtagal ang konstruksyon nito ng 12 taon.

Sa harap ng simbahan makikita ang magagandang iskultura at napapaligiran ito ng luntiang tanim at mga bagay na may kaugnay sa katolisismo.

Ang simbahan ay nakatayo sa dalawang ektaryang lupain na donasyon. Dito makikita ang 2,815 kilogramo at 85.5 metrong rosaryo na siyang pinakamalaki sa buong mundo. 

Tiyak na masisiyan kayo sa simbahang ito at huwag niyong kalimutang magsimba at magpasalamat sa Maykapal.

No comments:

Post a Comment