Monday, February 22, 2016

Tagum City: Christ the King Cathedral












Christ the King Cathedral o mas kilala sa tawag na New Cathedral.

Maraming mga mamamayan ang nagsisimba dito. Atraksyon din dito ang pinakamalaking rosaryo sa buong bansa na madalas dinadalaw ng mga turista. Maraming atraksyon sa labas ng simbahan na madalas nakakaagaw ng atensyon ng mga tao pagkatapos nilang magsimba. Kaya nakakaganang pumunta dito.

Makikita ito sa  Dr Juan Gonzalez Ave, Tagum City, Davao del Norte. Ang simbahan ay itinayo noon pang 1993 mula lamang sa donasyon at nagtagal ang konstruksyon nito ng 12 taon.

Sa harap ng simbahan makikita ang magagandang iskultura at napapaligiran ito ng luntiang tanim at mga bagay na may kaugnay sa katolisismo.

Ang simbahan ay nakatayo sa dalawang ektaryang lupain na donasyon. Dito makikita ang 2,815 kilogramo at 85.5 metrong rosaryo na siyang pinakamalaki sa buong mundo. 

Tiyak na masisiyan kayo sa simbahang ito at huwag niyong kalimutang magsimba at magpasalamat sa Maykapal.

Tagum City: Davao del Norte Sports Complex





















Ito ay makikita sa Davao del Norte Sports & Tourism Complex, Capitol Circumferential Rd, Tagum City, 8100 Davao del Norte.

Nagkakahalaga ng Php 243 M. Ang Davao del Norte Sports Complex ay naglalaman ng maraming pasilidad natatangi lamang sa isports. Ito ay may obalo na may walong takbuhan, palanguyan, dalawang palaruan para sa tennis at isang gym para sa maraming layunin.

Mayroon ring clubhouse kung saan pwede kayong bumili ng pagkain sa canteen sa loob nito.

Maraming events na ng isports ang idinaos dito dahil sa laki ng lugar. Madals din itong pinupuntahan ng mga taong nag eehersisyo tuwing madaling araw hanggang sa magpakita na ang haring araw.

Sunday, February 21, 2016

Tagum City: Energy Park












Madals itong pasyalan ng mga tao. Parkeng nakakarelax. Sapagkat luntiang kalikasan ang masisilayan mo kasabay ng preskong simoy ng hangin. Ginagawa din itong camp site ng mga bisita. Maraming nagbibisikleta habang ninanamnam ang ganda ng lugar. Maari ka ring magpic-nic kasama ng iyong mga mahal sa buhay sa lilim ng malalaking puno.
.
Matatagpuan ito sa Apokon, Tagum City, Davao del Norte.
Ang Energy park o mas kilala bilang E-park ay may lawak ng 1.25 km2. 

Ang dahilan na Energy Park ang pangalan nito ay sa napapasigla ng parke ang mga bisita sa sandaling malanghap nila ang preskong hangin.

Inaasahan namin na masisiyan kayo at babalik ang inyong sigla kung bibisitahin ninyo ang parkeng ito.

Saturday, February 20, 2016

Tagum City

Ang syudad ng Tagum ay talagang maganda at malaki.

Ito ay may populasyon ng 242,801 katao.

It ay may lawak ng 195.80 km2 (75.60 sq mi) . Mayroon itong 52 paaralang pampremariya,  23 paaralang pangsekondarya, at  25 paaralang pangkolehiyo.

Mayroong  walong bansag at ito ay:
Palm City of the Philippines,
City of Festivals,
Music Capital of the South,
City of Golden Opportunities,
The Little Green Singapore of the South,
Tourist Capital of the South,
City of Perfect Harmony,
City of Parks

Mayroon itong 23 barangay, humigit-kumulang 6 hospital, humigit-kumulang 8 simbahan, 16 piyesta at humigit-kumulang 5 parke.

Makikita sa Tagum ang pinakamalaking rosaryohan na mula sa kahoy at nasa Tagum din makikita ang pinakamalaking simbahan sa Mindanao.

Tunay na maganda at malaki ang syudad ng tagum at sa mga susunod na blogs, aming ipapakita ang ilan sa mga lugar na tunay na makakapamangha sa iyo. Hakbang dito, galak ng iyong tsinelas , mababatid mo...Tunay na maganda ang syudad ng tagum.